Folayang itataya ang korona vs Aoki

MANILA, Philippines — Itataya ni Eduard Folayang ang kanyang lightweight crown sa muling pagharap kay Shinya Aoki ng Japan sa ONE: A New Era ngayong Marso 31 sa Ryogou Kokugikan sa Tokyo, Japan.

Matatandaang, tinalo ni Folayang si Aoki via a third-round TKO sa ONE: Defending Honor sa Sentosa, Singapore noong 2016 upang masungkit ang titulo sa lightweight division, ngunit nabigo rin siya sa mga kamay ni Martin Nguyen noong nakaraang taon.

Pero, muling inangkin ni Folayang ang korona mula kay Amir Khan noong nakaraang taon.

“I knew at one point or another, I would be facing him (Aoki) again, it was just inevitable,” ani Folayang.

Si Folayang ay ang ikatlong Filipino na sa ngayon ay nanatiling kampeon, ang iba ay sina bantamweight Kevin Belingon at heavyweight Brandon Vera.  Ang dating kampeon na sina Geje  Eustaquio ay natalo sa Brazilian na si Adriano Moraes noong Enero 26 sa MOA Arena habang si Joshua Pacio ay nabigo rin kay Yosuke Saruta ng Japan sa ONE: Eternal Glory sa Jakarta, Indonesia.

Show comments