Magkaisa para sa tagumpay ng Manila SEAG hosting

MANILA, Philippines — Nanawagan si Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) chairman Alan Peter Cayetano ng pagkakaisa upang matagumpay na maitaguyod ng bansa ang 2019 Southeast Asian Games na idaraos sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Walong buwan na lamang ang nalalabi kaya’t kuma­kayod na ng husto ang PHISGOC para plantsahin ang mga kakailanganin partikular na ang venues na gagamitin.

Wala rin aniyang puwang ang anumang pamumulitika. “It’s time to come together. I want to make an appeal for real conciliation,” aniya.

Pormal nang nakipagkasundo kahapon ang PHISGOC sa Ajinomoto bilang isa sa platinum sponsor ng SEA Games.

Kinatawan ng Ajinomoto si Kaoru Kurashima kasama sina PHISGOC director general Patrick Gregorio, COO Ramon Suzara at national training director Marc Velasco sa contract signing.

May $1 milyon  hanggang $3 milyon ang halaga ng platinum sponsorship.

Malaking tulong ito upang pandagdag sa P5 bilyong pondong inilaan ng gobyerno para sa SEA Games.

Nauna na itong binigyan ng P7.5 bilyon subalit ibinaba ito sa P5 bilyon.

May 56 sports tampok ang 523 events ang lalaruin sa SEA Games kung saan 39 venues ang gagamitin sa Metro Manila, Clark at Subic.

Show comments