Nais ng Lady Spikers na mapatatag ang kapit sa No. 1 spot laban sa Lady Maroons sa kanilang bakbakan sa alas-4 ng hapon.
facebook
Pagka-birhen itataya ng La Salle
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Papanain ng De La Salle University ang ikaapat na sunod na panalo laban sa mapanganib na University of the Philippines sa pag­papatuloy ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Nais ng Lady Spikers na mapatatag ang kapit sa No. 1 spot laban sa Lady Maroons sa kanilang bakbakan sa alas-4 ng hapon.

Maghaharap naman ang University of Santo Tomas at Far Eastern University  sa alas-2.

Alam ni La Salle head coach Ramil De Jesus na hindi magiging madali ang makaharap ang UP na nagnanais makabalikwas mula sa masaklap na 25-21, 22-25, 16-25, 20-25 pagyuko sa UST noong Linggo.

“Malalim ang lineup ng UP dahil kahit yung second-stringers nila ma­lakas. Tinalo sila ng UST kaya magpe-prepare kami kung paano rin namin sila tatalunin,” ani De Jesus.

Walang iba kundi sina team captain Desiree Cheng, May Luna, Aduke Ogunsanya at rookie Jolina Dela Cruz ang aasahan ng Lady Spikers.

Pare-parehong may magandang inilaro sina Luna, Ogunsanya at Dela Cruz sa kanilang 25-10, 20-25, 27-25, 25-22 pananaig sa National University sa kanilang huling laro.

Magbabalik-aksiyon naman si UP top setter Ayel Estrañero matapos ma-food poison.   

DE LA SALLE UNIVERSITY UAAP SEASON 81 WOMEN’S VOLLEYBALL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with