Sa ensayo pa lamang ng Nationals sa Meralco Gym sa Ortigas ay nagkaroon na ang 6-foot-7 slotman ng sprained left ankle injury.
PBA Images
Almazan ‘di na makakalaro sa Team Pilipinas
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa kanyang injury ay inaasahang hindi na maisusuot ni Rain or Shine star center Raymond Almazan ang uniporme ng Team Pilipinas sa sixth at final window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Sa ensayo pa lamang ng Nationals sa Meralco Gym sa Ortigas ay nagkaroon na ang 6-foot-7 slotman ng sprained left ankle injury.

“Medyo minamalas,” wika ni Almazan sa kanyang injury na naging dahilan ng pag-upo niya sa kampanya ng Elasto Pain­ters sa 2019 PBA Philippine Cup.

Sinabi ni national head coach Yeng Guiao na nahuhuli na si Almazan sa kanilang mga ensayo kaya siya nagdesisyong isalang si Ateneo Blue Eagles superstar guard Thirdy Ravena sa pagsagupa ng Team Pilipinas laban sa Qatar kagabi sa Doha.

“He has offense but his role really is to provide us a defensive option on the best scorer of the other side, meaning wing men,” wika ni Guiao kay Ravena, kapatid ni NLEX guard Kiefer Ravena.

Bukod kay Ravena, ang iba pang ibinilang ni Guiao sa Final 12 laban sa Qatar ay sina naturalized center Andray Blatche, five-time PBA MVP June Mar Fajardo, Poy Erram, Troy Rosario, Japeth Aguilar, Paul Lee, Mark Barroca, Gabe Norwood, Marcio Lassiter, Scottie Thompson at Jayson Castro.

Idinagdag ni Guiao na posibleng hindi na niya gamitin si Almazan sa kanilang rematch ng Kazakhstan sa Pebrero 24 sa Astana para sa pinakahuli nilang asignatura sa Asian Qualifiers.

Noong Miyerkules ay namamaga pa ang left ankle ng dating kamador ng Letran Knights sa NCAA at papilay-pilay kung maglakad.

Napakinabangan ni Guiao si Almazan sa pag­sabak ng Nationals sa Asian Games sa Jakarta, Indonesia noong nakaraang taon.

Si TNT Katropa shoo­ting guard RR Pogoy ay maaari nang maglaro laban sa mga Kazakhs matapos isilbi ang kanyang FIBA suspension laban sa mga Qataris.  

RAYMOND ALMAZAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with