^

PSN Palaro

Bahay ni Pacquiao sa LA ninakawan

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Bahay ni Pacquiao sa LA ninakawan
Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad sa Los Angeles upang madeter­mina kung anu-anong mga bagay ang nawala sa loob ng tahanan ng eight-division world champion.
AP

MANILA, Philippines — Habang nagbubunyi ang buong sambayanan sa pagkakapanalo ni World Boxing Association (WBA) welterweight champion Manny Pacquiao laban kay Adrien Broner, sumalisi ang mga kawatan nang pasukin ang bahay ng Pinoy boxer sa Los Angeles, California.

Habang nagsasagawa ng regular na checking routine sa buong komunidad, natuklasan ng mga otoridad na bukas ang pintuan sa harap ng bahay ni Pacquiao kaya’t agad itong kinordonan ng mga pulis.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad sa Los Angeles upang madeter­mina kung anu-anong mga bagay ang nawala sa loob ng tahanan ng eight-division world champion.

Kinumpirma naman ng Team Pacquiao ang nangyari sa pamamagitan ni Sean Gibbons.

Masuwerte aniyang walang nasaktan sa insidente. Hindi ito ang unang pagkakataon na pinasok ang bahay ni Pacquiao sa Amerika.

Unang nang sumalisi ang mga kawatan noong 2011 kung saan apat na tao ang naaresto sa naturang insidente.   

Related video:

vuukle comment

WORLD BOXING ASSOCIATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with