Azkals sibak na sa AFC Asian Cup

MANILA, Philippines – Tuluyan nang nama­alam sa kontensyon ang Azkals matapos tamuhin ang 1-3 kabiguan sa kamay ng Kyr­gyzstan sa 2019 Asian Football Confederation (AFC) Asian Cup sa Rashid Stadium sa Dubai, United Arab Emirates. 

Pinahirapan ang Azkals ni Kyrgyzstan striker Vitalij Lux na siyang umiskor ng tatlong goals para sa White Falcons.

Naitarak ni Lux ang u­nang goal sa ika-24 minuto ng laban kasunod ang ikalawa sa ika-51 minuto at ikatlo sa ika-77 minuto.

Nakapuntos ng consolation goal si Stephan Shrock sa ika-80 minuto para hindi mablangko ang Azkals. Subalit hindi ito sapat para tuluyang makuha ng White Falcons ang panalo.

Tinapos ng Azkals ang kampanya nito hawak ang 0-3 rekord para malugmok sa ilalim ng Group B.

Show comments