Nangunguna sa listahan sina Palarong Pambansa multi-gold medallist Micaela Jasmine Mojdeh at Jie Angela Talosig ng South Christian College Pirates ng mga MOS awardees matapos pagsosyuhan ang top honors sa girls’ 11-12 division.
www.facebook.com/PhilippineSwimmingLeague
Mojdeh, Talosig bumandera sa MOS sa GenSan swim meet
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - December 31, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines  — May 13 tankers ang ginawaran ng Most Outstanding Swimmer (MOS) awards sa 151st Philippine Swimming League (PSL) National Series – 3rd LC5 Inter-School Friendship Swimming Meet na ginanap sa LC5 swimming pool sa General Santos City.

Nangunguna sa listahan sina Palarong Pambansa multi-gold medallist Micaela Jasmine Mojdeh at Jie Angela Talosig ng South Christian College Pirates ng mga MOS awardees matapos pagsosyuhan ang top honors sa girls’ 11-12 division.

Parehong nakalikom sina Mojdeh at Talosig ng 97 puntos sa pagtatapos ng dalawang araw na kumpetis­yon na inorganisa nina Lolita Palacios at Bob Palacios na siyang PSL Regional Director for Mindanao.

Nakakuha naman ng tig-100 puntos sina Jasmine Cabajar ng Davao Northern Shark (girls’ 7-8) at Nicole Rojo ng LC5 Swimming School (girls’ 13-14) para pagreynahan ang kani-kanilang events.

Wagi rin ng MOS trophies sa girls’ class sina Hannah White ng Susan Papa Swim Academy (6-under), Xyreille Chiong ng South Christian College Pirates (9-10) at Phelicity Bose ng Waterland Snakeheads Swim School (15-over).

Sa boys’ class, na­nguna sina South Christian College Pirates standouts Jibril Talosig (6-under), John Alexander Talosig (13-14) at Cyrryl Vallar (15-over) sa mga nagawaran ng MOS awards.

Ang iba pang MOS winners ay sina Anthony Acedo ng Aqua Tiera Swim Team (7-8), Izyndro Warain ng Rasa Kidapawan (9-10) at Francisco Cordero ng LC5 Swimming School (11-12).

JIE ANGELA TALOSIG MICAELA JASMINE MOJDEH MOST OUTSTANDING SWIMMER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with