Bolick, Perez babandera
PBA rookie draft
MANILA, Philippines — Pangungunahan nina collegiate stars CJ Perez at Robert Bolick ang 48 aplikante sa 2018 PBA Rookie Draft sa Disyembre 16 sa Robinsons’ Place, Manila.
Dahil sa pagpapalawig ng deadline para sa pagsusumite ng application sa mga local players mula Dec. 3 hanggang Dec. 10, umabot pa sina UAAP stars Paul Desiderio at Diego Dario.
Hindi muna ilalabas ng PBA ang official list ng mga aplikante hanggang sa Dec. 14, dalawang araw bago ang nakatakdang drafting para sa ika-44th season ng professional league.
Lahat ng mga aplikante ay magpapakitang gilas na sasabak sa traditional Draft Combine na nakatakdang gaganapin bukas (Dec. 12 -13) sa Hoops Center sa Mandaluyong City.
Bukod kay Perez at Bolick, ang ibang inaasahan na makikipag-agawan sa top pick position ay si Bobby Ray Parks Jr.
Ang Columbian Dyip ang may hawak sa No. 1 overall pick sa taong ito.
Ang ibang mga aplikante ay sina Trevis Jackson, Matt Salem, Bong Quinto, Robbie Manalang, Abu Tratter, John Paul Calvo, Michael Calisaan, Teytey Teodoro, Javee Mocon at Carlos Isit.
Kabilang din ang tatlong players na may parehong apelyido ang nagsumite sa PBA kagaya nina Kyles Lao ng University of the Philippines, Kent Jefferson Lao ng University of Santo Tomas at Edrian Lao ng University of the Visayas.
Ang Fil-German na si Christian Standhardinger ay napili ng San Miguel Beer bilang top rookie noong nakaraang taon.
- Latest