F2 Logistics at Foton hangad makapasok sa semis ng PSL

F2 Logistics
www.facebook.com/superligaphilippines

MANILA, Philippines — Hangad ng No. 2 seed F2 Logistics na umabante sa semis sa kanilang pag­ha­rap sa No. 7 Cocolife, ha­­bang magtatagpo ang No. 4 Foton at No. 5 Cignal HD sa knockout quarterfi­nals ng 2018 Philippine Su­per­liga (PSL) All-Filipino Con­fe­rence sa Filoil Flying V Cen­ter sa San Juan City.

Haharapin ng Cargo Mo­vers ang Asset Mana­gers ngayong alas-6 ng ga­bi matapos ang laro ng Tor­nadoes at Cignal HD Spi­kers sa alas-4 ng hapon.

Sa Collegiate Grand Slam division, maghaharap ang Far Eastern University at  University of the East at sa alas-12 ng tanghali at magtutuos ang University of the Philippines at De La Salle-Dasmariñas sa alas-2  ng hapon.

Ang mananalo sa Foton at Cignal ang haharap sa No. 1 Petron Blaze Spi­kers sa semis at ang magwa­wa­gi sa Cargo Movers at Asset Managers ang la­­­laban sa Generika-Ayala sa isa pang semis match.

Tangan ng Blaze Spi­kers ang ‘twice-to-beat’ ad­vantage at kung makaka­pasok rin ang Cargo Mo­vers sa semifinals makuku­ha rin nila ang insentibo bi­lang No. 2 seed.

Nasungkit ng Petron ang unang semis berth ma­tapos sibakin ang Sta. Lu­cia, 25-12, 25-14, 25-16, at tinalo naman ng No. 3 Ge­nerika-Ayala ang Smart, 25-16, 26-24, 25-22, sa quarterfinals matches.

Paborito ang Foton na mag­wagi laban sa Cignal da­hil sa kanilang 25-15, 18-25, 25-22, 25-20 panalo sa elims.

Show comments