^

PSN Palaro

Magnolia sa Finals

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Magnolia  sa Finals
Tuluyan nang tinapos ng Hotshots ang kanilang semifinals series ng Gin Kings makaraang angkinin ang 112-108 panalo sa Game Four para umabante sa 2018 PBA Go­vernor’s Cup Finals kagabi sa Ynares Center sa Antipolo City.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines —  Hindi na binigyan ng Magnolia ng tsansang makahirit ang Barangay Ginebra ng Game Five.

Tuluyan nang tinapos ng Hotshots ang kanilang semifinals series ng Gin Kings makaraang angkinin ang 112-108 panalo sa Game Four para umabante sa 2018 PBA Go­vernor’s Cup Finals kagabi sa Ynares  Center sa Antipolo City.

Isinara ng Magnolia ang best-of-five semifinals duel nila ng Ginebra sa 3-1 papasok sa pang-29 championship appearance hangad ang ika-14 kampeonato.

Huling naghari ang Hotshots noong 2014 PBA Governor’s Cup sa likod nina James Yap at import Marqus Blakely at paggiya ni two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone ng Gin Kings.

Itinayo ng Ginebra ang 10-point lead, 27-17 hanggang maagaw ng Magnolia ang 81-79 abante sa pagtatapos ng third period patungo sa 85-79 kalamangan mula sa pagbibida ni import Romeo Travis sa pagsisimula ng fourth quarter.

Nanalasa ang Gin Kings at inagaw ang 106-101 bentahe sa huling 1:44 minuto buhat sa dalawang free throws ni import Justin Brownlee.

Nagtuwang naman sina Travis at Jio Jalalon para ibigay sa Hotshots ang 110-106 kalamangan sa nalalabing 23.7 segundo sa labanan

Huling humirit ang Ginebra sa 108-110 matapos ang tirada ni Brownlee sa natitirang 14.9 segundo, habang isinalpak ni Paul Lee ang kanyang dala­wang charities sa huling 13.7 segundo galing sa foul ni LA Tenorio para muling ilayo ang Magnolia sa 112-108.

Samantala, isang da­ting PBA coach ang makakatuwang ni mentor Caloy Garcia para sa kampanya ng Rain or Shine sa 44th season ng PBA sa Enero ng susunod na taon.

Hinugot ng Elasto Pain­ters si dating Kia Picanto bench tactician Chris Gavina bilang assistant coach ni Garcia.

“I am extremely ho­nored and grateful for the trust and from coach Caloy Garcia, Boss Raymond (Yu), Boss Terry (Que) and Atty. Mamerto Mondragon for this opportunity,” sabi ni Gavina kahapon.

vuukle comment

2018 PBA GOVERNOR’S CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with