^

PSN Palaro

Lillard inangat ang Portland

Pilipino Star Ngayon
Lillard inangat ang Portland
Nagdagdag si Jusuf Nurkic ng 18 points at 17 rebounds para sa pang-pitong panalo ng Portland sa huli nilang walong asignatura.
Steve Dykes/AP

PORTLAND — Nabitawan ng Trail Blazers ang itina­yong 21-point lead, ngunit nagawa pa ring ipagpag ang Boston Celtics, 100-94  tampok ang 19 points at 12 as­sists ni Damian Lillard.

Nagdagdag si Jusuf Nurkic ng 18 points at 17 rebounds para sa pang-pitong panalo ng Portland sa huli nilang walong asignatura.

Napantayan naman ni Jayson Tatum ang kanyang regular-season career high na 27 points para pangunahan ang Boston, nakahugot kay Kyrie Irving ng 21 markers.

Kinuha ng Blazers ang 21-point lead bago naghulog ang Celtics ng 13-2 bomba sa pagsisimula ng fourth period para makalapit sa 83-85.

Ang three-point shot ni Marcus Morris ang nagtabla sa Boston sa 86-86 sa 7:27 minuto kasunod ang basket ni Lillard para muling iangat ang Portland sa 88-86.

Sa Los Angeles, nagsalpak si LeBron James ng 26 points tampok ang kanyang slam dunk para sa winning basket sa 107-106 paglusot ng Lakers laban sa bisitang Atlanta Hawks.

Nag-ambag si Kyle Kuzma ng 18 points para sa pang-limang panalo ng Los Angeles sa huling anim nilang laro.

Sa Houston, nagsumite si James Harden ng season-high na 40 points at nagdagdag si Chris Paul ng 26 mar­kers para pagbidahan ang 115-103 panalo ng Rockets kontra sa Indiana Pacers.

Sa New York, umiskor si Terrence Ross ng 22 points at naglista si Nikola Vucevic ng 21 points at 14 rebounds para pangunahan ang Orlando Magic sa 115-89 panalo laban sa Knicks.

vuukle comment

DAMIAN LILLARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with