Rubber match!

Tinangkang supalpalin ni import Allen Durham ng Meralco si Phoenix import Eugene Phelps sa Game 1.
Jun Mendoza

Meralco vs Phoenix

Laro Ngayon(Smart Araneta Coliseum)

7 p.m. Phoenix vs Meralco

Wala pang dahilan ang No. 7 Meralco para magdiwang matapos mapuwersa ang No. 2 Phoenix sa isang 'do-or-die' game sa kanilang quarterfinal match.

“It's just one game and we need two,” sabi ni one-time PBA Grand Slam champion coach Norman Black matapos kunin ng Bolts ang 90-74 panalo laban sa Fuel Masters sa 2018 PBA Governor's Cup noong Miyerkules.

Pag-aagawan ng Phoe­nix, nagbitbit ng 'twice-to-beat' advantage, at Meralco ang ikaapat at huling semifinals berth ngayong alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Pupuntiryahin ng Bolts ang kanilang ikaanim na sunod na ratsada laban sa Fuel Masters.

“We have to win ano­ther game. In our case, this is our fifth straight win, which was basically a knockout game,” ani Black. “Now, we have to play another game, a sixth knockout game in order to advance into the semifinals.”

Ang mananalo sa pagitan ng Meralco at Phoenix ang sasagupa sa Alaska, sinibak ang San Miguel,  96-85 noong Miyerkules, sa isang best-of-five semifinals series.

“We have to win. There is no tomorrow,” sabi naman ni Fuel Masters mentor Louie Alas.

Magtutuos naman sa isa pang semis showdown ang nagdedepensang Barangay Ginebra at Magnolia para sa kanilang 'Manila Clasico'.

Show comments