Perlas Spikers solo sa 2nd
(Pilipino Star Ngayon) - November 5, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mabilis na dinispatsa ng BanKo Perlas ang Adamson University, 25-17, 25-17, 25-18  upang masungkit ang ikapitong panalo sa Premier Volleyball League Season 2 Open Confe­rence sa The Arena sa San Juan City.

Mainit si middle blocker Kat Bersola na pumalo ng 13 puntos mula sa pitong attacks, apat na aces at dalawang blocks para dalhin ang Perlas Spikers sa solong ikalawang puwesto tangan ang 7-2 baraha.

Nakatulong din sa opensa sina outside hitter Nicole Tiamzon at Dzi Gervacio gayundin si middle blocker Joy Dacoron habang nagtulong sina defensive gems Ella De Jesus at Gyzelle Tan sa pagmando sa floor defense.

Wala pa ring panalo ang Lady Falcons sa siyam na laro ngunit naniniwala si Adamson mentor Airess Padda na magandang exposure ang Open Conference para sa kanyang bataan bago sumabak sa UAAP wars sa unang bahagi ng susunod na taon.

 Napatatag naman ng Petro Gazz ang kapit sa No. 4 matapos itarak ang 25-21, 25-19, 25-17 panalo laban sa Iriga-Navy. (CCo)

BANKO PERLAS PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE SEASON 2
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with