^

PSN Palaro

TNT na-low bat sa San Miguel

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
TNT na-low bat sa San Miguel
Humugot si Murphy ng 11 sa kanyang 27 points sa fourth quarter para pangunahan ang pagbangon ng Beermen mula sa 11-point deficit at balikan ang TNT Katropang Texters, 107-96 sa 2018 PBA Governor’s Cup kahapon sa Calasiao Sports Center sa Pangasinan.
PBA Media Bureau/File

Laro Ngayon(Smart Araneta Coliseum)

4:30 p.m. Rain or Shine vs Meralco

6:45 p.m. Blackwater vs Alaska

MANILA, Philippines — Nang kinailangan ng San Miguel ang puntos ay ipinakita ni import Kevin Murphy kung ano ang mayroon siya.

Humugot si Murphy ng 11 sa kanyang 27 points sa fourth quarter para pangunahan ang pagbangon ng Beermen mula sa 11-point deficit at balikan ang TNT Katropang Texters, 107-96 sa 2018 PBA Governor’s Cup kahapon sa Calasiao Sports Center sa Pangasinan.

Tumapos si Murphy, nag­laro para sa Utah Jazz sa NBA, na may 10 rebounds at 9 assists para sa ikalawang sunod na ratsada ng San Miguel at nagpalakas sa kanilang tsansa sa eight-team quarterfinal round sa 4-4 baraha.

Nagwakas naman ang sinakyang three-game winning streak ng TNT  Katropa para sa kanilang 4-5 record.

Ipinoste ng Tropang Texters ang 11-point lead, 86-75 mula sa basket ni PBA Best Import Marqus Blakely sa 9:46 minuto ng fourth period hanggang makadikit ang Beermen sa 89-90 buhat sa three-point shot ni Marcio Lassiter sa 5:04 minuto nito.

Tuluyan nang naagaw ng San Miguel ang kalamangan sa 91-90 galing sa tirada ni Ross patungo sa pag-iwan sa TNT Katropa sa 101-92 mula sa tres ni Murphy sa natitirang 1:22 minuto.

Isinalpak ni Murphy ang kanyang ikalawang triple sa final canto para tuluyan nang selyuhan ang pagresbak ng Beermen.

Samantala, babasagin naman ng Alaska (6-2) at Blackwater (6-2) ang kanilang pagkakatabla sa ikalawang puwesto nga­yong alas-6:45 ng gabi matapos ang laro ng Rain or Shine (2-5) at Meralco (2-6) sa alas-4:30 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Bukod sa pakikisosyo sa Magnolia Hotshots (7-2) at nagdedepensang Ginebra Gin Kings (7-2) sa liderato, ay mapapalakas din ng mananalo sa pagitan ng Aces at Elite ang tsansa sa ‘twice-to-beat’ sa quarterfinals. 

San Miguel 107 - Murphy 27, Standhardinger 21, Santos 18, Lassiter 13, Nabong 12, Ross 10, Cabagnot 6, De Ocampo 0, Heruela 0, Mamaril 0.

TNT 96 - Blakely 26, Pogoy 21, Romeo 18, Williams 11, Cruz 7, Trollano 6, Carey 4, Rosario 2, Garcia 1, Reyes 0, Paredes 0.

Quarters: 27-25, 50-54, 75-80, 107-96.

vuukle comment

2018 PBA GOVERNOR’S CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with