Magtutuos ang Lady Eagles at Lady Oragons nga­yong alas-4 ng hapon at hangad makabangon mu­la sa 25-27, 19-25, 11-25 kabiguan sa BanKo Per­las Spikers dahilan para mahulog sila sa No. 4.
Miguel De Guzman
Lady Eagles babangon mula sa pagkatalo
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 13, 2018 - 12:00am

Laro Ngayon(The Arena, San Juan City)

4 p.m. Ateneo vs Iriga

6 p.m. Petro Gazz vs Adamson

MANILA, Philippines — Makabalik sa porma ang tatangkain ng Ateneo de Manila University sa pa­kikipagtipan sa Iriga-Na­vy sa Premier Volleyball League Season 2 Open Con­ference sa The Arena sa San Juan City.

Magtutuos ang Lady Eagles at Lady Oragons nga­yong alas-4 ng hapon at hangad makabangon mu­la sa 25-27, 19-25, 11-25 kabiguan sa BanKo Per­las Spikers dahilan para mahulog sila sa No. 4.

Nangunguna ang Ban­Ko Perlas na may 5-0 baraha, habang mag­kasalo sa ikalawa ang three-time PVL champion Pocari-Air Force (3-1) at reigning Reinforced Conference titlist Creamline (3-1).

Maganda ang ratsada ng Ateneo (2-1) sa kanilang huling laro dahil nakaatake rin nang husto sina Kat Tolentino, Maddie Madayag at Bea De Leon la­ban sa Ban­Ko Perlas.

Subalit lumabas ang pa­giging bagito ng Lady Eagles nang hindi masaba­yan ang intensidad ng  mas be­teranong Perlas Spikers na sinabayan pa ng ilang krusyal na attacking errors at mis-reception.

“Each player has a big role. We need to capita­lize on our strengths. My strength is spiking but I wouldn’t be able to do that without the help of my teammates especially our setter and libero. Their role is just as important as mine,” ani Tolentino na top scorer ng Lady Eagles.

Nakalugmok sa ilalim ang Lady Ora­gons matapos lumasap ng limang su­nod na kabiguan.

Maghaharap ang Petro Gazz at Adamson University sa alas-6 ng gabi.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE SEASON 2
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with