Cebu Sharks pinapak ang Makati Skyscrapers

Nagtala si Patrick Ca­ba­hug ng 22 points, 7 rebounds at 1 assist para hindi mapahiya ang Sharks sa harap mismo ng kanilang mga fans.
freeman/Paul Jun E. Rosaroso

MANILA, Philippines — Nasungkit ng Cebu City Sharks ang ikalawang panalo matapos magwagi sa Makati Skyscrapers, 70-66, sa 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Anta Datu Cup no­ong Sabado ng gabi Uni­versity of San Jose-Re­coletos Gym sa Basak, Ce­bu City.

Nagtala si Patrick Ca­ba­hug ng 22 points, 7 rebounds at 1 assist para hindi mapahiya ang Sharks sa harap mismo ng kanilang mga fans.

Bukod kay Cabahug, nag-ambag din ng 13 points, 10 rebounds at 2 assists si William McAloney para sa 2-8 baraha ng Sharks ni coach Titing Ma­nalili.

Sa iba pang laro, nagwagi ang Zamboanga Va­lientes laban sa Basilan Steel, 94-80, upang ma­kuha ang pang-limang pa­nalo sa 10 laro.

Ang Basilan ay bumag­sak sa 4-7 kartada sa Southern Division.

Samantala, bumisita ang MPBL sa pangunguna ni Commissioner Kenneth Duremdes sa mahigit isang daang pamilya na naging biktima ng landslide sa Na­ga City, Cebu.

Show comments