^

PSN Palaro

Altas, Knights asam ang krusyal na panalo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Altas, Knights asam ang krusyal na panalo
Makakasagupa ng Letran ang Emilio Aguinaldo College sa alas-2 habang titipanin ng Perpetual Help ang Jose Rizal University sa alas-4.
https://www.facebook.com/ncaa.org.ph

MANILA, Philippines — Parehong tatangkain ng Colegio de San Juan de Letran at University of Perpetual Help System Dalta na makuha ang krusyal na panalo laban sa kani-kanilang karibal sa pagpapatuloy ng NCAA Season 94 men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Makakasagupa ng Letran ang Emilio Aguinaldo College sa alas-2 habang titipanin ng Perpetual Help ang Jose Rizal University sa alas-4.

Sumentro ang spotlight sa Perpetual Help nang dungisan nito ang rekord  ng Lyceum of the Philippines sa pamamagitan ng 83-81 dikdikang panalo.

Nakakuha ng lakas ang Altas kina Cameroonian Prince Eze at Edgar Charcos para umangat ang Las Piñas-based squad sa 7-5 baraha.

Naitala ni 6-foot-9 Eze ang kabuuang 25 puntos tampok ang game-winning putback kasama pa ang 23 rebounds at dalawang blocks sa naturang panalo.

Kaya naman todo puri ang buong komunidad kay Eze na kasalukuyang may average na 19.2 points.

“That was an MVP performance so I guess he made a case for the MVP award,” ani Perpetual Help coach Frankie Lim.

Kaya naman muling sasandalan ng Perpetual Help sina Eze at Charcos laban sa Jose Rizal na naghahangad naman na makalikom ng panalo para magarbong tapusin ang kanilang kampanya sa season na ito.

Sa kabilang banda, nais ng Letran na mapatatag ang kapit sa No. 3 spot.

Kasalukuyan itong may 8-4 rekord para manatili sa ilalim ng nangungunang Lyceum at nagdedepensang San Beda University na may magkatulad na 12-1 marka.

Haharap ang Letran sa Emilio Aguinaldo na may 2-10 kartada.  

vuukle comment

NCAA SEASON 94

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with