^

PSN Palaro

Irving, Hayward sasalang na sa training ng Celtics

Pilipino Star Ngayon
Irving, Hayward sasalang na sa training ng Celtics
Gordon Hayward at Kyrie Irving

BOSTON — Anim na araw mula ngayon ay bubuksan ng Celtics ang kanilang unang official  trai­ning camp practice bilang paghahanda para sa 2018-19 season.

Matapos ang ilang buwan na paghihintay,  handa na sina injured stars Gordon Hayward at Kyrie Irving na sumalang sa ensayo ng Boston.

Ito ang ibinunyag ni Celtics coach Brad Stevens sa media sa BCSF Golf Tournament at Old Sandwich Golf Club sa Plymouth, Mass.

“As of last I’ve heard, we should have everybody full go,” ani Stevens. “Everybody that’s been here has been playing five-on-five and even looking good.”

Halos 100 porsiyento nang nasa kanilang mga dating pamatay na porma sina Irving at Hayward matapos ang injury.

Hindi nakita sa nakaraang season sina Irving at Hayward sa 22 at 81 games, ayon sa pagkakasunod, dahil sa kanilang mga injuries.

Iniupo ni Irving ang hu­ling 15 games ng 2017-18 season at ang buong playoffs bunga ng kanyang left knee injury habang nagkaroon naman si Hayward ng ankle injury limang minuto sa kanyang Celtics debut matapos iwanan ang Utah Jazz via free agency.

Lalabanan ng Celtics sa preseason opener sa Sept. 28 ang Charlotte Hornets.

vuukle comment

BOSTON CELTICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with