^

PSN Palaro

Baguio City dinomina uli ang Batang Pinoy

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Baguio City  dinomina uli ang Batang Pinoy
Matagumpay na naidepensa ng Baguio City ang kanilang overall cham­pionship matapos humakot ng 46 gold, 46 silver at 57 bronze medals sa pagtatapos ng 2018 Batang Pinoy National Finals kahapon dito sa Baguio Athletic Bowl.

BAGUIO CITY , Philippines  —  Baga­ma’t may nangyaring trahedya sa kanilang probinsya, hindi ito naging dahilan para panghinaan ng loob ang mga atleta ng host province.

Matagumpay na naidepensa ng Baguio City ang kanilang overall cham­pionship matapos humakot ng 46 gold, 46 silver at 57 bronze medals sa pagtatapos ng 2018 Batang Pinoy National Finals kahapon dito sa Baguio Athletic Bowl.

“I-congratulate lahat ng mga nag-participate, of course special congratulations sa aming mga anak or aming mga athletes who performed well in their respective events,” sabi ni Baguio City Mayor Mauricio Domogan sa panayam ng PSNgayon Sports.

Idinagdag pa ng Al­kal­de na may inihanda silang cash incentives para sa kanilang mga atletang pumitas ng gold, silver at bronze medals.

Karamihan sa gintong medalyang kinolekta ng mga Highlanders ay mula sa mga martial arts events na wushu (13), taekwondo (10), wrestling (8) at judo (8), samantalang nakahugot din sila sa archery (2), athletics (2) at triathlon (1).

Nag-uwi ang Baguio City ng 55 gold, 41 silver at 41 bronze medals para angkinin ang overall crown sa huling Batang Pinoy National  Finals noong 2016 sa Tagum City, Davao Del Norte.

Nakasama naman sa Top 10 ang Cebu City na nag­poste ng 21 ginto, 25 pilak at 28 tansong medalya kasunod ang Quezon City (21-12-16), Laguna Province (20-8-20), Cebu Province (16-9-15), Dasmariñas City (14-7-4), Lucena City (13-6-2), Zamboanga City (12-21-14), Panga­sinan Province (12-15-14) at Taguig City (10-6-9).

Magbibigay ang Philippine Sports Commission ng cash incentive na P3 milyon sa Baguio City bilang overall champions  habang tatanggap ang Cebu City, Quezon City, Laguna Province at Cebu Province ng P2.5 milyon, P2 milyon, P1.5 milyon at P1 milyon, ayon sa pagkakasunod.

“We hope that more than the medals, more than the winning, it is the ex­perience of being a Batang Pinoy athlete which will leave a lasting impact on your life,” ani PSC chairman William 'Butch' Ramirez sa mga atleta.

vuukle comment

2018 BATANG PINOY NATIONAL FINALS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with