UP, FEU puntirya ang ika-2 dikit

Kapwa hangad ng opening day winners University of the Philippines at Far Eastern University ang ikalawang sunod na panalo sa magkahiwalay na laban ngayon sa pagpapatuloy ng Season 81 UAAP basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.
File Photo

Laro Ngayon(Smart Araneta Coliseum)

2 p.m. UST  vs FEU  (M)

4 p.m.  UP  vs  ADMU  (M)

MANILA, Philippines — Kapwa hangad ng opening day winners University of the Philippines at Far Eastern University ang ikalawang sunod na panalo sa magkahiwalay na laban ngayon sa pagpapatuloy ng Season 81 UAAP basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Haharapin ng Fighting Maroons ang nagdepensang Ateneo Blue Eagles sa alas-4 ng hapon pagkatapos ng pagtatagpo ng Tamaraws at University of Santo Tomas Growling Tigers sa alas-2 ng hapon.

Matapos tambakan ang University of the East, 87-58 noong Sabado, mas lalong lumakas ang tiwala ng Figh­ting Maroons at asahan na ang magandang laban dahil makakaharap nila ang Blue Eagles na gusto ring bumawi agad sa kanilang 70-74 talo sa Adamson noong Linggo.

Muling sasandalan ni UP coach Bo Perasol sina Nigerian import Bright Akhuetie, Juan Gomez de Liaño, Jun Manzo at Paul Desiderio na umiskor ng 46 puntos sa una nilang panalo.

Bagama’t galing sa talo ang Ateneo sa ope­ning game, hindi naman nabahala si coach Tab Baldwin at nananatili pa rin ang kanyang tiwala sa koponan.

“We just move on. We just figure out how to be better next time,” ayon naman kay Baldwin.

Show comments