^

PSN Palaro

Ginebra puro na sa finals

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Ginebra puro na sa finals
Nasayang man ang itinayong 25-point lead sa first half ay napabagsak pa rin ng Barangay Ginebra ang Rain or Shine, 75-72 sa Game Three ng kanilang semifinals showdown sa 2018 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa MOA Arena sa Pasay City.
Joey Mendoza

San Miguel Tangka Uli Ang Finals

Laro Ngayon(Smart Araneta Coliseum)

6:30 p.m. SMB vs Alaska

MANILA, Philippines — Bumangon ang mga Gin Kings mula sa kabiguan sa Game Two para makalapit sa pang-25 PBA Finals stint.

Nasayang man ang itinayong 25-point lead sa first half ay napabagsak pa rin ng Barangay Ginebra ang Rain or Shine, 75-72 sa Game Three ng kanilang semifinals showdown sa 2018 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa MOA Arena sa Pasay City.

Itinala ng Gin Kings ang 2-1 bentahe sa kanilang best-of-five semifinals wars ng Elasto Painters, kinuha ang Game Two, 109-100.

May tsansa ang Ginebra ni two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone na tuluyan nang angkinin ang Finals ticket kung mananalo sa Rain or Shine sa Game Four bukas sa Smart Araneta Coliseum.

Maagang nagtayo ng malaking bentahe ang Gin Kings matapos ilista ang 24-10 kalamangan sa first quarter bago ito palobohin sa 25-point lead, 46-21 laban sa Elasto Painters mula sa three-point play ni import Justin Brownlee sa huling 1:03 minuto ng second period.

Napababa ito ng Rain or Shine sa 36-48 sa gitna ng third canto hanggang muling kumamada si Brownlee, tumipa ng 25 points sa halftime, katuwang si LA Tenorio para ilayo ang Ginebra sa 61-39 sa huling 1:20 minuto nito.

Huling nakalapit ang Elasto Painters sa 72-74 galing sa basket ni import Reggie Johnson sa nalalabing 9.8 segundo ng fourth quarter.

Samantala, itinuring na isang suwerte ni head coach Alex Compton ang 125-104 panalo ng Alaska laban sa nagdedepensang San Miguel sa Game Three noong Biyernes sa Ynares Center sa Antipolo City.

“We made a bunch of shots and we made bounces going our way,” sabi ni Compton.

 Inaasahang sasakyan ng Alaska ang nasabing momentum sa hangad na makatabla sa serye sa pagsagupa sa San Miguel ngayong alas-6:30 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

vuukle comment

2018 PBA COMMISSIONER’S CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with