Semis nakumpleto sa panalo ng Revellers

Parehong bumanat ng 19 puntos sina Stephen Siruma at Jeff Viernes upang hatakin ang Revellers sa ikapitong panalo sa siyam na laro.
www.pba.ph

MANILA, Philippines — Tinusta ng Che’Lu Bar and Grill ang Batangas, 100-93  upang muling masolo ang liderato sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Parehong bumanat ng 19 puntos sina Stephen Siruma at Jeff Viernes upang hatakin ang Revellers sa ikapitong panalo sa siyam na laro.

Nakatulong din si Jessie Collado na umani ng 18 puntos gayundin si Jason Melano na may 12 markers sa panig ng Che’Lu.

Tuluyang namaalam sa kontensiyon ang Generals na gumulong sa 3-6 baraha.

Nakalikom si Cedric de Joya ng 19 puntos para sa EAC.

Ang panalo ng Revellers ang naging daan para makumpleto ang Final Four.

Maliban sa Che’Lu at Go For Gold (6-2), nabigyan ng awtomatikong tiket sa semis ang Marinerong Pilipino (5-3) at Centro Escolar University (5-4).

Galing ang CEU sa 82-71 panalo laban sa AMA Online Education.

Humarurot ng husto para sa Scorpions si Pierce Chan na nagpasabog ng 30 points at 13 rebounds samantalang nagdagdag si Rich Guinitaran ng 15 markers na nakuha nito mula sa limang three-pointers.

 

Show comments