Gin Kings handa sa resbak ng E-Painters
MANILA, Philippines — Pinatumba ng Barangay Ginebra ang Rain or Shine sa Game One sa pamamagitan ng isang 23-point victory.
Sinabi ni Gin Kings seven-foot giant Greg Slaughter na tiyak na gagawa ng matinding estratehiya si coach Caloy Garcia para makatabla ang Elasto Painters sa kanilang best-of-five semifinals series.
Puntiryang maitayo ang malaking 2-0 bentahe, lalabanan ng Ginebra ang Rain or Shine ngayong alas-7 ng gabi sa Game Two ng kanilang semifinals showdown sa 2018 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Nauna nang ipinagpaliban ni PBA Commissioner Willie Marcial ang Game Two ng Gin Kings at Elasto Painters at ang Game Three ng nagdedepensang San Miguel Beermen at Alaska Aces dahil sa bagyong ‘Henry’.
Samantala, posibleng makamit ni San Miguel star center June Mar Fajardo ang kanyang record-breaking na pang-limang sunod na PBA MVP award.
Mula sa nakaraang 2018 PBA Philippine Cup hanggang sa quarterfinals ng Commissioner’s Cup ay nangunguna ang Cebuano giant sa statistical race sa likod ng kanyang 29.6 average statistical points (SPs).
- Latest