Aces didikit sa bonus kontra road Warriors
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - June 15, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pupuntiryahin ng Alaska ang kanilang pang-pitong sunod na panalo para sa tsansang makalapit sa isa sa dalawang 'twice-to-beat' incentive habang magpipilit naman ang NLEX na makasilip ng pag-asa sa quarterfinal round.

Magtutuos ang Aces at Road Warriors ngayong alas-7 ng gabi matapos ang bakbakan ng Meralco Bolts at sibak nang Blackwater Elite sa alas-4:30 ng hapon sa 2019 PBA Commissioner's Cup sa MOA Arena sa Pasay City.

Matapos matalo sa Rain or Shine sa kanilang unang laro ay anim na sunod na arangkada ang ginawa ng Alaska para solohin ang ikalawang puwesto sa team standings mula sa bitbit na 6-1 record sa ilalim ng Rain or Shine (7-1) kasunod ang TNT Katropa (6-2), Meralco (5-2), Globalport (4-4), Magnolia (4-4), nagdedepensang San Miguel (3-4), Columbian Dyip (4-5), Phoenix (3-5), Barangay Ginebra (2-5), NLEX (2-6) at talsik nang Blackwater (1-8).

Ang huling dalawang panalo ay itinala ng Aces nang wala si small forward Calvin Abueva, pinatawan ni team owner Wilfred Uytengsu ng indefinite suspension.

“Kung decision na ng management na pabalikin siya, naghihintay lang  kami,” ani power forward Vic  Ma­nuel kay Abueva na sinasabing may mabigat na problema sa pamilya kaya hindi nag-eensayo.

Samantala, ipaparada naman ng Road Warriors si Mark Tallo para punan ang binakanteng posisyon nina Kiefer Ravena at Kevin Alas sa kanilang backcourt.

Kailangang walisin ng NLEX ang kanilang huling tatlong laro laban sa Alaska, San Miguel at Magnolia para makatiyak ng tiket sa eight-team quarterfinals cast.

Ang No. 1 at No. 2 teams matapos ang elimination ang magkakaroon ng 'twice-to-beat' incentive laban sa No. 8 at No. 7 squads, ayon sa pagkaka­sunod, sa quarterfinals.

Maglalaban naman sa best-of-three series ang No. 3 laban sa No. 6 at ang No. 4 kontra sa No. 5.

Muling aasahan ng Aces sina Manuel, import Antonio Campbell, JVee Casio, Sonny Thoss, Chris Banchero at Kevin Racal laban kina reinforcement Arnett Moultrie, Alex Mallari, Cyrus Baguio, Larry Fonacier, JR Quiñahan at Juami Tiongson ng Road Warriors.

Bagama't sibak na ang Elite ay hindi naman dapat magkumpiyansa ang Bolts, ayon kay coach Norman Black.

ALASKA MERALCO BOLTS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with