^

PSN Palaro

Ancajas, Sultan kakalimutan muna ang pagiging magkaribal

Pilipino Star Ngayon

LOS ANGELES, California — Pansamantala munang kakalimutan nina IBF world superflyweight champion Jerwin Ancajas at challenger Jonas Sultan ang pagiging magkaribal sa pagharap sa publiko sa Sabado (Linggo sa Manila).

Bagama’t nagkaharap na ang dalawa noong Marso 25 nang kapwa dumalo sa Elorde Awards Night, sa unang pagkakataon ay magkikita sina Ancajas at Sultan sa ‘Meet and Greet’ event na inorganisa ng Filipino-American Community sa Los Angeles o FACLA na gaganapin sa Temple St. dito.

Dahil walang inihandang media day para sa dalawang boksingero na nakatakdang magsagupa sa Mayo 26 sa Selland Arena sa Fresno, kaya’t minabuti ng FACLA sa pangunguna ng organizer na si Jayson Otamias, residente ng Torrance, California, na isa ring photographer  na isagawa ang naturang event.

Ang event ay pagkakataon din ng boxing fans--Pinoy man o ibang lahi--na makita ng personal sina Ancajas at Sultan bago ang kanilang bakbakan.

Sina Ancajas at Sultan ay tatanggap ng plaque of recognition bilang merito sa pagduplika sa naitalang record ni legendary at Hall of Famer Pancho Villa at Clever Sencio, na unang all-Pinoy boxers na nagsagupa sa isang world championship noong 1925.

Tatanggap din si Donnie Nietes ng plake bilang pagkilala sa kanyang pagiging ‘longest reigning champion’ na bumura sa record ni boxing Hall of Fame Flash Elorde, bukod pa sa pagiging three-time world champion (sa tatlong dibisyon).

vuukle comment

JERWIN ANCAJAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with