Si PSL tanker Micaela Jasmine Mojdeh sa kanyang winning form.
(Kuha ni Chris Co)
Mojdeh kumuha ng ginto sa Shanghai
BRepizo-Meraña (Pilipino Star Ngayon) - May 7, 2018 - 12:00am

SHANGHAI, CHINA -- Humirit agad ng gintong medalya si reigning Philippine Swimming League (PSL) Swimmer of the Year Micaela Jasmine Mojdeh sa 2018 Shanghai Invitational Swimming Cham­pionships sa Oriental Sports Center dito.

Bitbit ang matinding de­terminasyon, inilampaso ng Immaculate Heart of Mary College-Parañaque standout at Palarong Pambansa Most Bemedalled Athlete ang mga kari­bal nito sa girls’ 11-12 50m butterfly matapos magre­his­­tro ng bilis na 30.62 se­­gundo.

“It was a fantastic win. This girl has a heart of a champion. She started strong and finished strong against these well-trained Chi­nese swimmers. We are happy with her output but she’s not done yet. She has two more events co­ming,” wi­ka ni PSL president Susan Papa.

Pinataob ni Mojdeh ang mas matatanda at mas ma­tatangkad na sina Annabel Cui Amber Lim ng host Chi­na na siyang umani ng pilak at tansong medalya, ayon sa pagkakasunod.

Naitala ni Cui ang mala­yong 32.73 segundo, habang nagsumite si Lim ng 34.13 segundo sa torneong ni­lahukan ng mahigit 1,200 tankers mula sa lampas sa 30 bansa.

Nagkasya lamang sa ika-limang puwesto si Aklan pride Joanna Amor Cervas na naglista ng 37.23 se­gundo.

Muling aarangkada ang back-to-back Swimmer of the Year awardee na si Mojdeh sa 100m butterfly at 200m butterfly kasama si Cervas.

Nagdagdag naman ng pilak na medalya si Indian Ocean All-Star Challenge medalist Lucio Cuyong II ng Aklan Swimming Team sa boys’ 14-year 50m breaststroke matapos maglista ng 32.85 segundo.

Nanguna si Christopher Xia na may 32.29 habang pu­mangatlo si Tommaso Co­lombo ng may 34.16.

Muling aariba si Cu­yong sa 100m breaststroke at 200m breaststroke events.

“They are pumped up and ready to compete for their next events. The results here are the products of our hardwork during our training camp at Diliman Pre­paratory School swimming pool. They are now rea­ping the fruits of their labor,” dagdag ni Papa.

Nakasama ni Papa sa de­legasyon sina PSL secretary gene­ral Maria Susan Benasa at regional director Joan Mojdeh.

“We would like to thank the organizers for inviting us in this competition. It’s a good exposure for our ath­letes in terms of gauging their skills since this is the biggest swimming event for youth in Asia,” pag­papasalamat ni Papa sa mga nag-organisa ng na­sabing swinfest.

2018 SHANGHAI INVITATIONAL SWIMMING CHAM­PIONSHIPS MICAELA JASMINE MOJDEH PHILIPPINE SWIMMING LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with