Ang buzzer-beating fade away jumper ni LeBron James ng Cavaliers laban kay Jimmy Butler ng Timberwolves.

Lebron iniligtas ang Cavs laban sa Wolves
(Pilipino Star Ngayon) - February 9, 2018 - 12:00am

CLEVELAND — Ang krus­yal na supalpal ni Le­Bron James ang nagbigay-da­an para sa kanyang buz­zer-beating jumper at aka­yin ang problemadong Ca­valiers sa 140-138 obertime win laban sa Minnesota Timberwolves.

Kumonekta si James ng isang fade-away jum­per laban kay Jimmy Butler sa pagtunog ng final buz­zer sa extra period pa­ra tapusin ang walong su­nod na kamalasan ng Cleveland.

Ilang minuto matapos su­palpalin ang potensyal na game-winning shot ni But­ler sa huling 1.3 segun­do ng extension ay tinanggap ni James ang inbound pass mula kay Jeff Green at tinirahan si Butler malapit sa foul line para wakasan ang eight-game losing slump ng Cavaliers.

“Once I caught it, I just trusted everything I've done in my career,” wika ni James, niyakap at pinagka­guluhan ng kanyang mga teammates.

“The way we've been pla­ying, we needed that. He was very special,” wika ni Cavs coach Tyronn Lue, bumalik sa bench matapos magkasakit noong Martes sa Orlando.

Kumolekta si James ng triple-double mula sa kanyang 37 points, 15 assists at 10 rebounds sa loob ng 48 minuto.

Nilampasan ng three-time NBA champion si Zy­drunas Ilgauskas (5,904) sa career rebounds list ng Cleveland.

Humataw naman si But­ler ng 35 points, habang nag­tala si Karl-Anthony Towns ng 30 markers sa panig ng Timberwolves.

Sa Miami, nagposte si James Harden ng 41 points, habang nagdagdag si Chris Paul ng 24 mar­kers, 7 assists at 7 re­bounds para pamunuan ang Houston Rockets sa 109-101 paggupo sa Heat.

Ito ang ikaanim na sunod na ratsada ng Houston at ika-10 sa huling 11 laban.

Sa Detroit, humugot si Griffin ng 11 sa kanyang 25 points sa fourth quarter, habang humakot si Andre Drummond ng 17 points at 27 rebounds para pamunuan ang Pistons sa 115-106 paggupo sa Brooklyn Nets.

Ito ang pang-limang su­nod na arangkada ng De­troit, hindi pa natatalo sa­pul nang mahugot si Griffin mula sa isang trade sa Los An­geles Clippers noong na­karaang linggo.

Sa Phoenix, kumolek­ta si center LaMarcus Aldridge ng 23 points sa loob ng  28 minuto at pinanguna­han ang San Antonio Spurs sa 129-81 paglampaso sa Suns.

Ito ang pinakamasamang kabiguan ng Phoenix sa kanilang kasaysayan.

Nauna nang nakalasap ang Suns ng 76-124 home loss laban sa Portland Trail Blazers sa kanilang NBA opener ngayong season.

Nag-abag si Patty Mills ng 18 points para sa Spurs.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with