Kampo ni Lomachenko itinaggi ang nilulutong laban vs Pacquiao
(Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2018 - 11:25am

MANILA, Philippines – Walang katotohanan na inaayos na ang posibleng laban sa pagitan nina Manny Pacquiao at Ukrainian star Vasyl Lomachenko.

Sa ulat ng RT Sport, itinanggi ng manager ni Lomanchenko na si Egis Klimas ang pahayag ni Pacquiao na gumugulong na ang negosasyon.

Sinabi ni Pacquiao sa kaniyang panayam sa ABS-CBN na inaayos na ang bakbakan nila ng WBO super featherweight champion.

“There are negotiations now about the number one pound-for-pound (boxer) which is Lomachenko,” wika ni Pacquiao.

“There are still talks on the weight, reducing the weight,” dagdag niya.

Kasalukuyang lumalaban si Pacquiao sa welterweight na 147 pounds habang 130-pounder naman sii Lomachenko.

Hindi pa lumalaban si Pacquiao mula nang matalo kay Australian boxer Jeff Horn nitog nakaraang taon.

Masasabing malayo ang agwat ng dalawang boksingero kung titingnan ang kanilang record.

Hawak ni Pacquiao ang (59-7-2, with 38 KOs) win-loss-draw na kartada, habang (10-1, with 8 KOs) lamang ang Ukrainian.

 

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with