Hinatawan ni Grace Verzosa ng JRU si Yvonne Tasis ng EAC sa NCAA Season 93 women’s volleyball. Jun Mendoza

Lady Chiefs iginapos ang Lady Knights
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 13, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinayuko ng nagdedepensang Arellano University ang Colegio de San Juan de Letran, 25-17, 25-17, 25-12 upang mu­ling masolo ang liderato sa NCAA Season 93 women's volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Pinangunahan nina open hitter Regine Arocha at Necole Ebuen ang ratsada ng Lady Chiefs nang pareho itong umiskor ng 11 puntos para bitbitin ang kanilang tropa sa ikatlong sunod na panalo.

Nagdagdag naman si team captain Mary Anne Esguerra ng walong puntos habang may pinagsamang 12 markers sina veteran wing spiker Jovielyn Prado at substitute Meridith Balanoba sa panig ng Arellano.

Patuloy ang magandang inilalaro ni rookie playmaker Sarah Verutiao na kumana ng 21 excellent sets kasama pa ang limang puntos.

“Naka-focus lang sila sa laro kung paano mananalo. I’m happy na nage-enjoy sila sa loob ng court,” pahayag ni Lady Chiefs head coach Obet Javier.

Walang Letran player ang nagtala ng double di­gits kung saan nalimitahan si Glyssa Torres sa pitong puntos at anim naman si Jaymeleene Parin.

Nahulog ang Lady Knights sa 1-2 baraha.

Sa ikalawang laro, tuloy ang magandang atake ng Jose Rizal University nang dispatsahin ang Emilio Aguinaldo College, 25-20, 25-16, 25-16 para sa kanilang ikalawang sunod na panalo.

Muling nasandalan ng Lady  Bombers si Maria Shola Alvarez nang bumira ito ng 24 puntos mula sa 22 attacks at dalawang aces para pamunuan ang Lady Bombers na umangat sa 2-1.

Nakalikom din ang Premier Volleyball League ve­teran ng 11 digs at walong receptions.

Nakatuwang ni Alvarez sina Dolly Verzosa at Karen Montojo na nagrehistro ng pito at anim na puntos, ayon sa pagkakasunod, samantalang may 28 sets si Marcy Grace at 22 digs si Anne Macaraya.

Nauna nang ginulantang ng Jose Rizal ang San Sebastian College-Recoletos sa pamamagitan ng five-set win.

Nanguna para sa Lady Generals si Ladeisheen Magbanua subalit hindi ito sapat para tuluyang bumagsak sa 0-3 ang EAC.

Sa men's division, igi­nupo ng Arellano ang Letran, 25-16, 25-12, 25-15  para manatiling malinis ang kanilang record sa tatlong laro.

Wagi naman ang Letran sa juniors division matapos itarak ang 25-23, 25-21, 21-25, 25-20 panalo laban sa Arellano.

Sumulong ang Squires sa 1-1.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with