Mahabang pahinga nakatulong sa Beermen para magpalakas
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2018 - 12:00am

Laro sa Linggo (Smart Araneta Coliseum)

4:15 p.m. NLEX vs Phoenix

7 p.m. Globalport vs Ginebra

MANILA, Philippines — Sa Enero 13 pa mu­ling maglalaro ang nag­dedepensang San Miguel sa 2018 PBA Phi­lippine Cup.

Sinabi ni head coach Leo Austria na malaking bagay ito para maipahinga ang mga katawan ng kanyang Beermen, sumabak sa kabuuang 58 laro sa nakaraang season kung saan nila pinagharian ang 2017 PBA Philippine Cup at Commissioner’s Cup bago nasibak ng Ginebra Gin Kings sa quarterfinals ng Governor’s Cup.

Ang pagkakatalsik sa season-ending conference ang dumiskaril sa hangad na PBA Grand Slam ng tropa ni Austria.

“I take it on a positive note,” sabi ni Austria sa 16-day break ng San Miguel.

“We’ll take this as an opportunity for us to s­trengthen and recuperate. Kasi wear and tear na rin.”

Nagmula ang Beermen sa 103-97 panalo laban sa Meralco Bolts noong Disyembre 28 sa Ynares Center sa Antipolo City.

Sa kanilang pagbabalik sa aksyon sa Enero 13 ay sasagupain ng San Miguel ang TNT Katropa sa out-of-town game sa San Agustin Gym sa Iloilo City.

Kasalukuyang magka­sosyo sa liderato ang Beermen at NLEX Road Warriors mula sa magkatulad nilang 2-0 record.

May 1-1 baraha naman ang Tropang Texters.

“Late na kami nag-practice. Forty seven days kami nag-break since our last game last season,” sabi ni Austria.

Samantala, muling ha­ha­taw ang mga aksyon sa Linggo sa bakbakan ng NLEX at Phoenix sa alas-4:15 ng hapon at ang salpukan ng Ginebra at Globalport sa alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with