Pacquiao 'global ambassador' ng Seoul, South Korea

Eight division champion at Sen. Manny Pacquiao. OSMP/Wendell Alinea

MANILA, Philippines –  Itinalaga si Sen. Manny Pacquiao bilang “global ambassador” ng Seoul dahil sa pag-uugnay niya sa South Korea at Pilipinas.

Kinilala ng Seoul Metropolitan Government ang pinagdaanan ni Pacquiao mula simula hanggang maabot ang katanyagan hindi lamang sa larangan ng boksing.

"Senator Pacquiao is the boxing legend of Asia," pahayag ng lokal na pamahalaan ng Seoul.

"Coming from a childhood of limited means, he is also known as the king of donations for the fortune he contributes every year to help better the lives of the poor in his community," dagdag niya.

Nasa South Korea si Pacquiao at ang kaniyang pamilya upang magbakasyon.

Nakatakdang makipagpulong ang senador kay Seoul mayor Park Won-soon para sa pormal na pagkilala sa kaniya.

Lumabas din si Pacquiao sa isang Korean variety show na pinamagatang "Infinite Challenge."

Show comments