PSC-Pacquiao boxingfest susuntok na sa GenSan

MANILA, Philippines — Inaasahan ang mahigit 100 batang boksingero ang sasabak ngayon sa pagbubukas sa Philippine Sports Commission (PSC)-Pacquiao Amateur Boxing Cup sa Robinson’s Place ng General Santos City.

Si PSC chairman William “Butch” Ramirez mismo ang panauhing pandangal sa opening ceremonies ng dalawang araw sa unang leg sa Mindanao preliminaries.

Ang naturang kumpetisyon ay idinaraos para mag-diskubre ng mga kabataang malaki ang pag-asang manalo ng medalya sa international competitions.

“The PSC, through the PSI, is focused on grassroots sports although PSI is also helping elite athletes in their high performance training with PSI national training director Marc Edward Velasco spearheading the special ops for the Tokyo 2020 Olympics,” sabi ni  Ramirez.

Ang ibang qualifying rounds ay gaganapin ngayon hanggang April 7 ng susunod na taon sa iba’t ibang venues habang ang preliminaries naman ay sa  April 14 at 15  sa Mandaluyong City.

Ang quarterfinals naman ay gaganapin sa April 21 at  22 sa Bohol sa susunod na taon. Ang Tagum City naman ang magho-host sa semifinals sa April 28 bago babalik sa General Santos City para sa finals sa Mayo 5, 2018.

Show comments