Biado kampeon sa 2017 World 9-Ball

MANILA, Philippines — Matapos ang pitong taon ay isang Pinoy ang muling nagkampeon sa World 9-Ball Championship.

Ito ay matapos talunin ni Carlo Biado ang kababayang si Roland Garcia, 13-5, sa kanilang all-Pinoy Finals sa 2017 World 9-Ball Championship kagabi sa Al Arabi Sports Club sa Do­ha, Qatar.

Ito ang ikatlong malaking kampeonato na nakamit ng 34-anyos na si Biado ngayong taon.

Naghari si Biado sa nakaraang World Games at sa Southeast Asian Games.

Nakahanay ngayon ng World No. 7 na si Biado, ibinulsa ang premyong $30,000, sina Pinoy World 9-Ball champions FEfren ‘Bata’ Reyes (1999), Fil-Canadian Alex Pagulayan (2004), Ronato Alcano (2006) at Francisco ‘Django’ Bustamante ( 2010).

Nakamit ni Garcia ang premyong $15,000.

Sinibak ni Biado si Lin Wu Kun ng Chinese-Taipei, 11-6, sa semis game pa­ra maisaayos ang pakiki­pag­tipan kay Garcia sa Finals.

Ginulantang naman ni Garcia si reigning World Pool Series Grand Finale champion Klenti Kaci ng Albania, 11-6, sa unang semis match upang masiguro ang kanyang kauna-unahang fi­nals appearance sa isang major event.

Umusad sa semifinals si Garcia nang gapiin si Jalal Al Sarisi ng Venezuela, 11-4, sa quarterfinals.

Magaang naman ang ti­nahak na daan ni Biado pa­ra masiguro ang silya sa Final Four nang magtala ng walk over win laban kay Liu Haitao ng China na nadiskwalipika ma­­tapos mahuli ng dating sa venue.

Nagtala si Liu ng 11-10 panalo laban kay Tai­wanese Ko Ping Chang sa Last 16.

Matapos ang laro ay nag­­pahinga si Liu sa ho­tel na ma­lapit la­mang sa ve­nue.

Ngunit na­kalimutan ni Liu na mag-alarm.

Tanging No. 9 lamang sa 2017 International 9-Ball Open sa Pengzhou, China ang pi­nakamaltaas na naabot ni Garcia sa isang major event.

Si Bus­tamante ang hu­ling Pi­noy na nagkampeon sa World 9-Ball noong 2010 edisyon.

Show comments