Senate kampeon sa Makabansa cagefest

Nasa kaliwang larawan ang Senate team na nagkampeon sa Makabansa Basketball League habang tinanggap ni Phil. Star Media Group CEO/President  Miguel G. Belmonte ang 1st runner-up trophy mula kay Meralco President/CEO Oscar Reyes. Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Nalampasan ng Se­nate ang matinding paghahabol ng Philippine STAR Troo­pers sa endgame para itakas ang 76-75 panalo at angkinin ang korona ng Makabansa Basketball League kahapon sa dinumog na Meralco Fitness Center.

Isinalpak ni Michael Dan Omega ang krusyal na freethrow sa natitirang 4.3 segundo habang diniska­ril naman ni Finals MVP Mark Anthony Marcos ang pinakahuling pagtatangka ng Troopers para ipanalo ang Advocates.

Tinapos ng Senate ang kanilang best-of-three championship series ng STAR via come-from-behind 2-1 win.

Tumapos si Marcos na may 18 points, 9 rebounds at 5 assists, samantalang nagdagdag sina Anthony Lim at James Mangaran ng 17 at 15 markers, ayon sa pagkakasunod, para sa bagong kampeon.

Tinanggap ng Advocates ang kanilang championship trophy mula kay Meralco president at CEO Oscar Reyes.

Nasayang naman ang 28-point explosion ni Jhong Bondoc, nagsalpak ng apat na triples, para sa STAR team ni President at CEO Miguel G. Belmonte.

“We had many turnovers and the calls didn’t go our way in the crucial stretch,” sabi ni STAR pla­ying coach Alfred Bartolome sa kanyang tropa na nagtala ng 33 turnovers.

Show comments