Topex tiwalang papasok sa semis ang Lyceum

MANILA, Philippines - Malaki ang tiwala ni coach Topex Robinson na makapasok na sa Final Four ang Lyceum of the Philippines Pirates sa kanilang ika-anim na taong kampan­ya sa 93rd NCAA seniors basketball tournament na magbubukas sa Hulyo 8 sa MOA  Arena sa Pasay City.

“We’re really working hard and having guys committed to really win. CJ Perez is there to really help us.  Again, I don’t really have a big man; I only have Mike Harry (Nzeusseu), who now is shooting threes. We were lucky they (Marcelinos) landed here and they really want to prove themselves and they energize the team,” sabi ni Robinson.

Sa loob ng anim na taong pagsali sa oldest collegiate league ng bansa, hindi pa pumasok ang Pirates sa Final Four at ang pinakama­taas nilang naabot ay sixth place noong season 89 sa 8-10 win-loss record.

Ngunit, pinatunayan ng Pirates ang malaking pag-asa sa kanilang ipinakitang muntik na nilang talunin ang UAAP champion De La Salle Archers, 99-100 sa semifinals ng FilOil Flying V Premier Cup, isang pre-season tournament.

Si CJ Perez ay dating naglalaro sa San Sebastian Stags ngunit lumipat sa Ateneo at hindi nagtagal ay nagpasiyang sumali na rin sa Lyceum Pirates habang si Mike Harry Nzeusseu ng Cameroon ay beterano na rin sa Pirates kaya dapat silang abangan sa NCAA. 

Bukod kay Perez at ng 6’5 na si Nzeusseu inaasahan din ni coach Robinson ang magkapatid na Jaycee at Jayvee Marcelino, Spencer Pretta, Jasper Ayaay, Wil­son Baltazar at Reymar Caduyac.

Ang Lyceum Pirates ay isa sa tatlong koponan na tinanggap ng NCAA bilang guest teams noong 2011 at naging regular member noong 2015 kasama ang EAC Generals.

Show comments