Nietes puntirya ang korona vs Thai boxer
‘Pinoy pride 40: domination’
MANILA, Philippines - Haharapin ni WBO light flyweight champion Donnie “Ahas” Nietes si Komgrich Nantapech ng Thailand sa kanyang pagbabalik sa loob ng ring para sa bakanteng trono ng IBF featherweight division na tinawag ng “Pinoy Pride 40: Domination” ngayong Sabado sa Waterfront Hotel and Casino sa Cebu City.
Mapapanood naman ito ng Live mula sa pamamagitan ng SkyCable Pay-Per-View sa Sabado. Ang laban ay ipalabas din ngayong Linggo sa ABS-CBN alas-3:30 ng hapon at may primetime telecast sa S+A sa alas-8 ng gabi.
Tangan ang 39-4-1 dala ang 22 KOs, hangad ni Nietes na kunin ang bakanteng IBF featherweight title para sa kanyang koleksyon kabilang na ang WBO Inter-continental featherweight division.
Matapos iwan ang light flyweight division, kilangan niyang manalo upang makamit ang ikatlong korona sa magkahiwalay na division.
Si Nietes ang Pinoy na pinakamatagal na nagkampeon sa kasaysayan ng boxing.
Bukod pa kay Nietes, lalaban din ang kanyang stablemate sa ALA Boxing gym na si Mark “Magnifico” Magsayo kontra kay Issa Nampepeche ng Tanzania sa undercard ng Pinoy Pride 40: Domination.
Si Magsayo na may hawak na 15-0, 11 KOs record ay ika-16 contender sa mundo at number one naman sa bansa.
Kung manalo siya sa 10-round fight siguradong aangat ang kanyang ranking.
- Latest