Rockets lumayo na sa Thunder
HOUSTON - Kumamada ang Rockets sa final canto para patumbahin ang Oklahoma City, 115-111 sa Game Two ng kanilang Western Conference first round playoff series.
Kumolekta si James Harden ng 35 points at 8 assists, habang nagbigay naman ng kanilang kontribusyon sina reserves Eric Gordon at Lou Williams para sa pagbangon ng Houston mula sa 14-point deficit at resbakan ang Oklahoma City.
Walong players lamang ang ginamit ng Rockets ngunit nagawang makuha ang 2-0 abante sa kanilang best-of-seven series ng Thunder.
Nagdagdag si Gordon ng 22 mula sa 8 of 14 shoo-ting at tumipa si Williams ng 8 for 14 clip at tumapos na may 21 points, habang may 12 markers si Patrick Beverley para sa Houston, dadayo sa Oklahoma City para sa Game 3 sa Linggo.
Nawalan ng saysay ang kinamadang 51 puntos ni Russell Westbrook bukod pa ang 13 assist at 10 rebounds para sa kanyang ika-43 triple-double ng hindi niya nadala sa panalo ang Thunder.