Aces lusot sa Painters

MANILA, Philippines - Naging balikatan ang bak­bakan nina imports Cory Jefferson ng Alaska at Shawn Taggart ng nag­dedepensang Rain or Shine.

Ngunit mas naging mahalaga ang isinalpak na dalawang three-point shots ng 6-foot-9 na si Jefferson sa huling bahagi ng fourth period.

“Cory hit some big shots. That’s what you like to see your import do,” sabi ni coach Alex Compton kay Jefferson matapos akayin ang Aces sa 105-102 pana­lo laban sa Elasto Painters sa 2017 PBA PBA Commi­s­sioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Humakot si Jefferson ng 41 points at 13 rebounds para sa ikaapat na dikit na ratsada ng Alaska, habang ito naman ang ikalawang su­nod na kabiguan ng Rain or Shine matapos buksan ang torneo sa 3-0.

Itinala ng Aces ang 14-point lead, 67-53, sa git­na ng third period bago na­agaw ng Elasto Pain­ters ang bentahe sa 99-98 mula sa basket ni rookie guard Mike Tolomia sa hu­ling minuto ng fourth quarter.

Nagsalpak naman si Jefferson ng triple para sa 101-99 abante ng Alaska sa huling 30.1 segundo kasunod ang  turnover ni Tolomia pa­ra sa Rain or Shine.

Ang dalawang free throws ni Casio ang nag­layo sa Aces sa 103-99.

Tumapos si Taggart na may 40 points para sa Elasto Painters.

Alaska 105 - Jefferson 41, Casio 16, Thoss 15, Abueva 11, Racal 6, En­ciso 5, Exciminiano 3, Andrada 3, Pascual 2, Cruz 2, Mendoza 1.

Rain or Shine 102 - Taggart 40, Cruz 11, Tolomia 9, Yap 8, Norwood 8, Chan 7, Belga 6, Almazan 4, Washington 4, Tiu 3, Ponferrada 2, Ahanmisi 0.

Quarterscores: 26-29; 50-44; 80-71; 105-102.

Show comments