Spurs tinakasan ang Cavs sa OT

CLEVELAND -- Nag­sal­pak sina center LaMarcus Aldridge at guard Patty Mills ng malalaking baskets sa overtime para igiya ang San Antonio Spurs sa 118-115 panalo laban sa Cavaliers.

Tumipa si Mills ng isang krusyal na three-point shot sa huling dalawang minuto ng extra period para sa 114-113 abante ng Spurs.

Kumamada naman si Aldridge ng isang 20-footer para iwanan ang Cavaliers sa 116-113 sa nalalabing 38 segundo.

Tumapos si star forward Kawhi Leonard na may 41 points mula sa 15-of-30 fieldgoal shooting para sa ika-34 panalo ng San Antonio sa 43 games.

Nagdagdag naman si Aldridge ng 16 points, ha­bang may 13 markers si Mills.

Nabigo ang Cleveland na maduplika ang nauna ni­lang panalo laban sa Phoenix Suns.

Umiskor sina LeBron James at Kyrie Irving ng tig-29 points para sa Ca­va­liers, habang may 14 at 13 markers sina Tristan Thompson at Kevin Love, ayon sa pagkakasunod.

Ito ang ika-11 kabiguan ng Cleveland sa 41 outings.

Sa Atlanta, dumiretso ang Hawks sa ikalawang su­nod na panalo nang pi­gilin ang three-game winning run ng Philadelphia 76ers sa bisa ng 110-93 ta­gumpay.

Humataw si Paul Millsap ng 22 points, habang nagtala si Kent Bazemore ng 16 points para sa ika-26 panalo ng Atlanta sa 44 laro.

Sa Denver, kumolekta si Nikola Jokic ng 19 points at 10 rebounds para ihatid ang Nuggets sa 123-98 pag­gupo sa kulang sa pu­wersang Los Angeles Clippers.

Nag-ambag sina Danilo Gallinari at Will Barton ng tig-18 points para sa Denver.

Hindi naman naglaro para sa Clippers dahil sa in­jury sina star point guard Chris Paul at power forward Blake Griffin.

Sa iba pang laro, tinalo ng naman Portland Trail Bla­zers ang Boston Cel­tics, 127-123; tinakasan ng Detroit Pistons ang Wa­shington Wizards, 113-112; pinadapa ng Charlotte Hornets ang Brooklyn Nets, 112-105; dinaig ng Phoenix Suns ang New York Knicks, 107-105; hiniya ng Miami Heat ang Milwaukee Bucks, 109-97; binugbog ng Houston Rockets ang Memphis Grizzlies, 119-95; bi­nigo ng Chicago Bulls ang Sacramento Kings, 102-98.

Show comments