MIAMI - Nanalo si Ray Allen ng NBA championships sa Boston at Miami, nagsalpak ng isang tirang hindi makakalimutan sa NBA Finals history at kumamada ng pinakamaraming three-pointers sa sinumang naglaro sa liga.
Higit sa dalawang taon matapos ang kanyang huling laro ay nagdesisyon si Allen na tuluyan nang isabit ang kanyang mga sapatos.
Inihayag ni Allen ang kanyang pagreretiro sa isang post sa The Players’ Tribune website.
Naglaro si Allen ng 18 seasons sa NBA para sa Milwaukee Bucks, Seattle Supersonics, Celtics at Heat at nagtala ng average na 18.9 points sa 1,300 regular-season games at isang 10-time All-Star.
“I write this to you today as a 41-year-old man who is retiring from the game,” wika ni Allen sa kanyang post. “I write to you as a man who is completely at peace with himself.”
Tinawag naman ni NBA Commissioner Adam Silver si Allen na “an extraordinary player.”