Maayos na pamamahala sa POC pangako ni Vargas sakaling manalo

MANILA, Philippines – May magandang programa si boxing associ­ation chief Ricky Vargas pa­ra mahikayat ang mga Na­tional Sports Associations (NSAs) na bumoto sa kanya para makuha ang top post sa Philippine Olympic Committee.

Sinabi ni Vargas, la­la­banan si incumbent pre­sident Jose ‘Peping’ Co­juangco, Jr. sa eleksyon sa Nobyembre 25, na may na­­kahanda siyang five-point program patungo sa pagkakaroon ng mas ma­­­lakas na POC.

“We’ll develop a stronger POC, and that’s our mis­sion for the Philippine sports,” sabi ng 64-anyos na si Vargas, hangad na wa­kasan ang 12-taong pa­ngangasiwa ng 82-anyos na si Cojuangco bilang pa­ngulo ng POC.

Hangad ni Vargas na pasiglahin ang Philippine sports sa pamamagitan ng magandang panganga­siwa, hindi pagdikta sa mga NSAs, pagpili ng mga atleta base sa kanilang performance, pakikipagtulungan sa Philippine Sports Commission at pagkuha ng suporta mula sa International Olympic Committee.

Kung mananalo ay na­ngako si Vargas ng maayos na pamamahala sa POC kung saan maipagmama­laki ng mga atleta ang mga opisyales na kumakatawan sa kanila.

Wala rin siyang ba­lak kon­­trolin ang mga NSAs.

“I come from an NSA. You don’t choose NSAs; you don’t dictate the NSAs. You allow them to grow on their own and you have to empower them. You’re more of a commissioner – you work with; you enable,” sabi ni Vargas.

Sa maaayos na pamamalakad sa POC, sinabi ni Vargas na: “It’s something you do with your ability to go­vern as opposed to your abi­lity to control which is po­li­tical. Sports is not political. That would be our process as we’re here purely to help out.”

Show comments