Lions balik uli sa solong liderato

  Tinangkang supalpalin ni Mike Nzeusseu ng Lyceum si Teytey Teodoro ng JRU sa NCAA. Joey Mendoza

MANILA, Philippines - Sinakmal ng San Beda College ang nagdedepensang Colegio de San Juan de Letran, 83-71, upang muling masolo ang liderato sa NCAA Season 92 men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Unti-unti nang nasasanay ang Red Lions na wala si Donald Tankoua dahil umaangat ang laro ni Benedict Adamos nakakakuha ng sapat na suporta mula kina Davon Potts at Jayvee Mocon.

Nagtala ang 6-foot-6 na si Adamos na transferee mula Technological Institute of the Philippines, ng 18 puntos, siyam na rebounds at anim na blocks para punan ang pagkawala ni Tankoua na nagtamo ng ACL injury.

Malakas din ang ungol ni Potts na may game-best 23 points habang nag-ambag si Mocon ng 17 points, 11 boards at limang assists para sa Lions na sumulong sa 11-2 rekord.

“I have to give credit to everybody, it was a collective effort. We didn’t want to lose twice,” ani San Beda coach Jamike Jarin.

Bahagyang nagkainitan ang Red Lions at Knights nang patawan si Bong Quinto ng Letran ng offensive foul na siyang naging mitsa upang magkagirian sina teammate Jerrick Ba­lanza at San Beda player Jomari Presbitero sa huling pitong segundo ng laro.

Nabigyan rin si Jarin ng technical foul.

Sa pagtatapos ng laro, nagkasagutan pa sina McJour Luib at Antonio Bonsubre.

Humingi naman ng paumanhin si Jarin matapos ang insidente.

Sa unang laro, patuloy ang pananalasa ng San Sebastian College nang muli itong magtala ng sorpresang 69-67 panalo laban sa Mapua Institute of Technology upang manati­ling buhay ang kanilang pag-asang makahirit ng tiket sa Final Four.

Sa iba pang resulta, dinala ni Teytey Teodoro ang Jose Rizal University sa 68-58 panalo laban sa Lyceum of the Philippines.

Nakasosyo ng Jose Rizal ang Mapua sa fourth spot tangan ang parehong 7-5 marka.

Gumulong ang Pirates sa 5-7.

San Sebastian  69 - Costelo 20, Calisaan 15, Ilagan 12, Bulanadi 8, Capobres 4, Gayosa 3, Mercado 3, Fabian 2, Calma 2, Baetiong 0, David 0, Valdez 0.

Mapua 67 - Oraeme 16, Menina 12, Estrella 9, Victoria 9, Isit 6, Raflores 6, Bunag 4, Eriobu 4, Serrano 1.

Quarterscores: 8-25, 27-38, 50-46, 69-67.

JRU 68 – Teodoro 21, Grospe 15, Poutouochi 14, Abdul Wahab 11, Mendoza 4, Dela Virgen 3.

LPU 58 – Alban 27, Nzeusseu 10, Ayaay 5, Alanes 4, Baltazar 4, Marata 4, Gabayni 4, Caduyac 0.

Quarterscores: 17-17, 32-30, 46-41, 68-58.

San Beda 83 – Potts 23, Adamos 18, Mocon 17, Presbitero 6, Sara 4, Soberano 4, Noah 4, Bonsubre 3, Bolick 2, Tongco 2, Bahio 0, Carlos 0.

Letran 71 – Sollano 18, Quinto 17, Nambatac 13, Balanza 9, Calvo 9, Luib 3, Ambohot 2, Apreku 0 Sario 0.

Quarterscores: 23-22, 43-32,  56-43, 83-71.

Show comments