Game Na!
PRESS ROW - Abac Cordero (Pilipino Star Ngayon) - February 2, 2016 - 9:00am

Patay kung patay.

Lalaruin ngayong gabi sa Mall of Asia Arena ang Game 7 ng PBA Philippine Cup.

Alaska kontra San Miguel Beer.

Gatas o Beer?.

Ibang klase ang series na ito. Humataw ang Alaska at lumamang ng 3-0.

Pero bumangon ang San Miguel, sa pangunguna ni June Mar Fajardo, para tumabla, 3-3.

Eto na naman tayo. Game 7. Last year, ganun din ang ending. SMB ang nanalo.

Siguradong malaki ang pustahan sa larong ito. Mula sa mga big-time na sugarol hanggang sa tinatawag na friendly bet.

Hindi ako pupusta.

Wala akong kakampihan. Basta maganda ang laro.

Para happy ang mga fans.

Nung Sabado ng gabi, nakausap natin si Calvin Abueva tungkol sa laban.

“Do-or-die ito,” sabi niya.

Eto raw ang pagkakataon na ipakita kung ano talaga ang ibubuga mo. Todo na lahat. Pati pamato.

Napailing lang si Calvin nang mapaalalahanan na kanila na sana ang titulo kung hindi sila natalo ng tatlong sunod.  Mantakin mo, lamang ka na ng 3-0.

At eto kakaba-kaba ka pang baka matalo.

Wala pang team sa PBA history na nakabangon mula sa 3-0 para ipanalo ang best-of-seven series.

Wala pa!

Dahil mukhang imposible.

Yan ang hinahabol ngayon ng San Miguel na maging parte ng history.

Kung papalarin, matagal na pag-uusapan ang pa­­nalo. At kung Alaska naman ang manalo, makakahinga sila ng malalim.

Gusto ko rin naman mag-champion si Alex Comptom. Pero yan din ang nais ko kay coach Leo Austria.

Sabi nga ni Abueva, bilog ang bola.

Bahala na raw si Lord.

ACIRC ALEX COMPTOM ANG CALVIN ABUEVA ETO JUNE MAR FAJARDO LEO AUSTRIA MALL OF ASIA ARENA NUNG SABADO SAN MIGUEL WALA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with