Abueva: Patayan na ‘to!
(Pilipino Star Ngayon) - February 2, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Umalis si Calvin Abueva sa Marriott Hotel noong Sabado ng gabi at bitbit ang maliit na glass trophy na kanyang tinanggap bilang 2015 Sportsman of the Year mula sa local sports portal na Spin.ph.

Sinabi ng Alaska Aces key player na hindi niya inaasahang mabibigyan ng award.

Naiwan si Abueva na nakangiti.

Nakatakdang maglaban ang Alaska at San Miguel sa Game 7 ng PBA Philippine Cup Finals ngayong gabi se Mall of Asia Arena.

Tinanong si Abueva tungkol sa kanyang opinyon sa naturang winner-take-all contest.

“Dito na makikita ang tunay na laro,” sabi ni Abueva.

Alam ni Abueva ang dahilan kung bakit nabigo silang walisin ang San Miguel sa serye matapos kunin ang malaking 3-0 bentahe.

“We have no control over fate,” wika ni Abueva. “Bilog ang bola. Hindi natin masasabi. Dumadating talaga yun. Puwede mo ma-sweep. Puwede ka matalo.”

“Dito sa Game 7, kapag talo ka, talo at kapag panalo ka, eh di panalo. Pagnanalo eh di masaya. Pagnatalo eh di malungkot. This is do-or-die,” dagdag pa nito.

Para sa Game Seven, inamin ni Abueva na hindi niya alam ang mangyayari sa loob ng hardcourt

“Final game. Bahala na si Lord,” sabi ni Abueva.

“Pero mas masarap kung kami ang champion.”

ABUEVA ACIRC ALASKA ACES ANG CALVIN ABUEVA DITO GAME SEVEN MALL OF ASIA ARENA MARRIOTT HOTEL PHILIPPINE CUP FINALS SAN MIGUEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with