Akhuetie, Avenido nagbida sa FEU-NRMF

MANILA, Philippines – Nagtuwang sina import Bright  Akhuetie at da­ting PBA player Leo Ave­nido para ihatid ang FEU-NRMF sa 71-70 pa­nalo kontra Hobe Cars- Unlimi­ted sa single round-robin semifinals ng 5th DELeague Basketball Tournament noong Martes ng ga­bi sa Marikina Sports Center, Marikina City.

Kumamada sina Ak­huetie at Avenido ng tig-17 points para sa ikalawang panalo ng Tamaraws sa se­mifinal round at hangad mawalis ang Final Four para makakuha ng ‘twice-to-beat advantage sa finals.

Bumandera para sa Hobe Bihon-Cars Unli­mi­ted si Bonbon Custodio na may 13 points at 5 re­bounds kasunod ang tig-10 markers nina  Rond­rigue Ebondo at ex-pro Sun­day Salvacion

Nakatakdang labanan ng FEU-NRMF ngayong alas-7 ng gabi ang Philippine Christian University na tinisod ng Sta. Lucia Land Inc. 88-76.

Pinangunahan ni Kiko Adriano ang Realtors sa kanyang 23 points, habang nagtala ng 16 mar­kers si Japs Bautista para kanilang 1-1 rekord.

Humugot naman ng 21 puntos si Mike Ayonayon para sa Dolphins (0-2).

Ang koponan na ma­ka­kawalis sa Final Four ay mabibiyayaan ng ‘twice-to-beat’ advantage sa finals laban sa mananalo sa semis series.

Show comments