^

PSN Palaro

UAAP women’s cagefest isa na lang sa Lady Bulldogs

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ginulpi ng defending champion National University ang Ateneo sa bisa ng 91-56 demolisyon upang makalapit sa inaasam na kampeonato kahapon sa University Athletic Association of the Philippines Season 78 women’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Pinatunayan ni  Afril Bernardino na karapat-dapat ito sa kanyang back-to-back Most Valuable Player award matapos maglista ng double-double na 17 puntos at 18 rebounds para tulungan ang Lady Bulldogs.

Isang panalo na lamang ang kakailanganin ng NU upang muling mawalis ang lahat ng asignatura nito sa ikalawang sunod na pagkakataon.

Sa kasalukuyan, nakasakay ang Lady Bulldogs sa 38-game winning streak.

Naitarak ng Lady Bulldogs ang 38 puntos pinakama­laking kalamangan matapos tumulong si Risa Paig na may naisumiteng 16 at Shelley Gupilan na nagdagdag ng 14 habang may pinagsama-samang 21 puntos sina Andrea Tongco, Rheana Itesi at Trixie Antiquera.

Nanguna sa hanay ng Lady Eagles si Katrina Guytingco na bumanat ng 14 at si Mythical Team member Danica Jose na may 13 puntos.

Tinapos ng  Lady Bulldogs ang  five-game winning run ng lady Eagles  na nabuo sa huling bahagi ng eliminasyon hanggang sa stepladder semifinals.

AFRIL BERNARDINO

ANDREA TONGCO

ANG

DANICA JOSE

KATRINA GUYTINGCO

LADY BULLDOGS

LADY EAGLES

MALL OF ASIA ARENA

MOST VALUABLE PLAYER

MYTHICAL TEAM

NATIONAL UNIVERSITY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with