Lady Bulldogs kumakaway sa sweep

MANILA, Philippines – Dinurog ng nagdede­pensang Natio­nal University Lady Bulldogs ang UP Lady Maroons, 87-39 para lumapit sa isang laro tungo sa sweep sa elimination round sa 78th UAAP women’s basketball noong Miyerkules sa Blue Eagle Gym.

May walong puntos si Shelley Gupilan sa first period para itulak ang Lady Bulldogs sa 25-9 panimula upang ibulsa na ang ika-13 sunod na panalo sa season.

Tumapos si Gupilan taglay ang 15 puntos habang ang nagdedepensang MVP na si Afril Bernardino ay naghatid ng 16 puntos, 12 rebounds, 5 blocks, 4 assists at 1 steal at si Andrea Tongco ay may 10 pa.

Ito na rin ang ika-29 sunod na panalo ng NU mula noong nakaraang taon at kailangan na lamang nilang manalo sa La Salle Lady Archers para sa 14-0 sweep at okupahan ang puwesto sa Final Four.

Tinudla ng Lady Archers ang ika-11 sunod na panalo matapos matalo sa unang laro gamit ang 63-58 panalo kontra sa Ateneo Lady Eagles.

Ang NU-La Salle game ay gagawin sa Linggo.

Nanalo rin ang UST Tigresses at UE Lady Warriors sa kanilang mga laro para magkatabla sa ikatlong puwesto sa 6-7 marka.

Si Candice Magdaluyo ay mayroong 17 puntos habang double-double na 14 puntos at 12 rebounds ang ginawa ni Bettina Peñaflor para sa 66-53 panalo laban sa FEU Lady Tamaraws.

Ang UE ay kumubra ng 67-42 paglampaso sa A­damson Lady Falcons.

Show comments