Oraeme sinikwat ang ROY, MVP

Nasa harapan ni Allwell Oraeme ng Mapua  ang kanyang limang tropeo na kinabibilangan ng MVP at Rookie of the Year.  Joey Mendoza

MANILA, Philippines – Nagkaroon ng pa­konsuelo ang host Mapua Cardinals nang nakuha ng 6’9 import Allwell Oraeme ang Rookie of the Year at MVP awards sa season.

Ang 19-anyos Nigerian native ay nakalikom ng 69.67 Player All-Around Value (PAV) mula sa i­binigay na 16.33 puntos, na­ngungunang 20.28 rebounds at 2.94 blocks.

Tinalo niya sa MVP award sina Arthur dela Cruz ng San Beda Red Lions (60.61), Earl Scottie Thompson ng Perpetual Help Altas (57.72), Jio Jalalon ng Arellano Chiefs (55.67) at Bright Akhuetie ng Altas (52.88).

Si Oraeme ang lumabas din bilang Defensive Player of the Year at kabilang din sa Mythical Five kasama ang mga tinalo sa MVP race.

Nakuha ni Michael Calisaan ng San Sebastian Stags ang Most Improve Player award.

Si Michael Enriquez ng Red Robins ang siyang lumabas na MVP sa juniors division para walisin ito ng host school.

Si Ricci Rivero ng La Sale-Greenhills ang siyang nanguna sa PAV sa 57.35 habang si Enriquez ay mayroong 48.50. Ngunit disqualified sa MVP si Rivero dahil nasuspindi siya ng isang laro.

Show comments