RC Cola, Meralco agawan sa panalo; Foton sososyo sa liderato
ATan (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2015 - 10:00am

Laro Ngayon (The Arena, San Juan City)

4:15 p.m. Meralco vs RC Cola-Air Force

6:15 p.m. Petron vs Foton

MANILA, Philippines – Mag-uunahan ang RC Cola-Air Force Raiders at Meralco Power Spikers sa pagsungkit ng unang panalo habang pangalawang sunod ang paglalabanan ng Petron Lady Blaze Spi­kers at Foton Tornadoes sa 2015 Philippine SuperLiga (PSL) Grand Prix women’s volleyball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Unang magpapambuno ang Raiders at Power Spi­kers sa alas-4:15 ng hapon at ito ang unang salang ng RC Cola sa ligang i­norganisa ng SportsCore at handog ng Asics at Milo bukod sa suporta ng Mikasa, Senoh at Mueller.

Ipaparada ng Raiders ang mga mahuhusay na sina Maika Ortiz, Judy Ann Caballero at Rhea Dimaculangan at palalakasin sila ng pagpasok ni Puerto Rican national player Lynda Morales at Sarah McClinton.

Sa kabilang banda, ha­nap ng Meralco na putulin ang magkadikit na pagkatalo at mangyayari ito kung maitataas pa nina Mica Reyes, Cha Cruz, Stephanie Mercado at mga imports na sina Liis Kullerman at Christina Alessi ang kalidad ng paglalaro.

Sundan ang 25-15, 25-14, 25-19, straight sets panalo ang nais ng nagdedepensang kampeon Petron laban sa Foton na galing naman sa 25-13, 25-22, 25-16 tagumpay sa Meralco.

Kung manalo ang Foton ay sasaluhan nila ang Cignal HD Lady Spikers na may 2-0 baraha.

ACIRC ANG CHA CRUZ CHRISTINA ALESSI COLA-AIR FORCE COLA-AIR FORCE RAIDERS FOTON FOTON TORNADOES GRAND PRIX MERALCO SAN JUAN CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with