Gilas no. 28 na sa FIBA World rankings

FIBA photo

MANILA, Philippines – Matapos ang silver medal finish sa katatapos lamang na FIBA Asia Championship, umakyat sa no. 28 ng world rankings ang Gilas Pilipinas.

Anim na puwesto ang inakyat ng Pilipinas mula sa dating pwestong no. 34.

Ang Pilipinas na ang ikatlong koponan sa Asya kasunod ng reigning champion China (no. 14) at bronze medalist Iran (no. 17).

Katabla naman ng Japan ang Chinese Taipei sa no. 48, habang kahit hindi maganda ang nilaro ng Jordan (no. 29), Korea (no. 30) at Lebanon (no. 43) ay mataas pa rin ang kanilang pwesto.

Pasok na ang China sa 2016 Rio Olympics matapos daigin ang Pilipinas, habang daraan pa sa qualifying tournament ang Gilas, Iran at Japan.

 

Show comments